Ang aga aga minamalas na ko kasi mag pa park na ko nang may sumagi o nasagi akong traysikad. Pag baba ko ng bintana nag umpisa nang maglitanya si Macho… opo, kahit hindi ako bading napansin ko na bukol bukol maskel nya... Ahehehe!
Anyway, ayun, daig pa nya ang makinilyang humahabol nang deadline habang nag i-is speech…
"Dapat sa kanan ka pipina ang laki laki don! @#$$%^&&*((()(*^%$@!~~"
Ako naman bagong gising, nakatulala lang habang ina-absorb ko yung mga sinasabi nya, nung na realize ko na inaaway na pala ako e bigla akong napasigaw in a baritone voice…
"COUNTERFLOW KA EH!"
Pumadyak na sya papalayo habang naglilitanya pa rin, ako naman nagmadaling lumabas kaso sira pala lock ko… dun ako sa kabila dumaan (bloopers talaga lolz)
Yun na nga, hindi ako maselan sa auto kasi isang ipis na lang ang pipirma sa junkshop na auto ko, yung mga padyak sa street namin, everytime masagi nila benz ko (kunwari benz… shhhh) konting ngiti lang tsaka konting kamot nang ulo, wala naman sakin yun.
Heto naman si machong corny bumalik at naglilitanya na naman…
Syempre napasigaw na naman ako,again, in a baritone voice…
'ANO SABI MO!?! ANO SABI MO!?!"
Padyak na naman sya papalayo habang nag lilitanya, ako naman natulog na lang ulit nang mainit ang ulo… nanaginip tuloy ako…
Dream1
Pots: Sino ang nagpaputok nang Baril ha!!!! Lumabas ka!!!
Siga: Ako! Bakit? May Reklamo?!?!?!
Pots: Ang lakas no? (Sabay Ngiti…)
Dream 2
Pots: Sino SIGA Dito!!!
Siga: Ako! Bakit? May Reklamo?!?!?!
Pots: Pareho pala tayo… (sabay *winK*)
The moral lesson is - mas maganda yung wala ka talagang kaaway pero ika nga nung barkado ko dati na barangay chairman sa ka-Mindanao-an, kahit saan ka pumunta, dapat dala dala mo yung bayag mo.
Pototoy sing "my birdie is my best friend~~~"
Posted at 04:27 pm by kenjisjourney
Why do you live?